Sunday, May 13, 2007

isang makabuluhang eleksyon para sa pagbabago

Mayo 14, 2007, ang araw ng eleksyon, kung saan pipili tayo ng kakatawan sa ating mga manggagawa sa mga posisyon ng gobyerno.

Gawin natin itong makabuluhan. Makapili sana tayo ng mga karapat-dapat sa posisyon na kanilangnais luklukan at hindi sa pansariling interes lamang. Sino pa man ang piliin natin, isipin natin na sila ay binoto natin dahil sa mga katangian at linis ng kanilang layunin at mga isyu na kanilang tinitindigan. Hindi dapat iboto ng mga pulitiko na hindi magsisilbi sa interes ng mamamayang Pilipino.

Kaya ang TMPCWA ay nagpapahayag ng mahigpit na pag-eendorso sa ANAK-PAWIS PARTYLIST, para katawanin ang mga manggagawa at maralita sa Kongreso. naniniwala ang TMPCWA na ang lahat ng katangiang inaasahan natin ay taglay ng Party List ng Masa ang ANAK-PAWIS.

MULING IBOTO PARA SA KONGRESO ANG PARTIDO ANAK-PAWIS!

No comments: