Saturday, April 21, 2007

bagong blog writer

dahil sa panawagan na may tumulong upang ma-maintain ang blog na ito, may kasamahan tayo na nag-volunteer upang tumulong.

asahan na patuloy na magkakaroon ng update sa blog natin at hinihingi rin natin ang partisipasyon ng mga kasama na magpadala ng comments sa mga blogs natin.

salamat at mabuhay ang uring manggagawa!!!

mabuhay ang manggagawa ng Toyota!!!

summer outing na balot ng takot

Summer outing na naman at panahon na naman ng mga sama-samangkasiyahan tulad ng Company Outing. Sa mga ganitong okasyon ating inaabangan na makipag-bonding sa ating mga kasamahan sa trabaho para makisaya sa kanila.

Pero sa tuwing darating ang summer outing sa Toyota ay palaging may kaguluhan na nangyayari, kaguluhang lagi na lang kinasasangkutan ng isang tao. Ang maton na si Angel Dimalanta.

Sariwa pa sa isipan ng mga manggagawa ng Toyota ang ginawa ng maton na ito sa isa nating kasama. Bisperas pa lang ng outing ay lango na sa alak si teroristang Dimalanta kaya war freak na pagdating ng Abril 22. Nanampal at nanakot ng isa sa mga kasamahan natin habang nagkakasiyahan sa outing. Maliban sa kasamahan natin na sinampal ay may mas nauna pang insidente kung saan hinaharrass niya ang ilan pang team member.

Ngayon, summer outing na ulit at ang tanong ng karamihan, “sino na naman ang mabibiktima ng pang-aabuso ni maton Dimalanta?”

Dahil siguro sa kahihiyang dulot ng maton na ito, ay pinagpayuhan daw ng manedsment na huwag na munang sumama sa outing si maton. Inaakala ng kapitalista na pag wala na ang maton ay makakalimutan na nila ang insidente at hindi na sila matatakot na sumama.

Pero paano makakalimot ang manggagawa kung patuloy niyang nakikita na protektado at kinukunsinti ng kumpanya ang maton sa kanyang mga kasalanan?

Isang taon na pero ni kuko man lang ni maton Dimalanta ay hindi man lang pinarusahan ng naaayon sa TMP handbook.

Nang ating kapanayamin ang humahawak ng kaso na si G. Sobrevega, ay parang nakukulitan na siya kung bakit patuloy nating hinahabol ang kaso. Sobrang bagal ang usad ng kaso at hindi nagkamali sa hinala ang mga manggagawa na hindi mapaparusahan ang may sala.

Natawa pa tayo ng isagot sa atin ni G. Sobrevega na “hindi niya magalaw si Angel Dimalanta dahil hindi naman sa loob ng kumpanya nangyari ang insidente ng pananampal at pananakot.” Eh bakit tinawag pa itong “Company Outing?”

Pakonti na ng pakonti ang nadalo sa ganitong okasyon dahil sa mga insidenteng ito. Ang mga “organizer” ng outing katulad ni Dimalanta ay naglalasing bago pa man dumating ang manggagawang magsasaya.

Sa halip na kahalubilo ng mga manggagawa ang mga “Union Leaders” na ito ay nakikita nila na parang talaba na hindi maalis-alis sa tabi ng manedsment, na para bang pinagmamalaki nila na “dikit” sila sa manedsment.

Habang patuloy na ganito ang kultura sa Toyota ay malayo pa rin nating maabot ang pagkakaisa.

Habang patuloy na may maton na nagsisiga-sigaan sa loob ng pagawaan dahil “tuta” siya ng kapitalista, patuloy na lalaban ang inaaping manggagawa upang makamtan ang katarungan.

At hanggang hindi ina-address ng kumpanya ang mga lehitimong suliranin ng mga manggagawa ng Toyota, darating ang panahon na tuluyan ng walang sasama sa company outing ng Toyota.###

Monday, April 16, 2007

PAKI-BISITA ANG WEBSITE NATIN www.tmpcwa.org

Mapagpalayang bati sa lahat ng mga kasama sa 233,

Mungkahing bisitahin na lamang muna ang ating website sa www.tmpcwa.org dahil may inilabas tayong bagong balita galing sa Japan. Paumanhin dahil hindi natin madalas malagyan ng update ito dahil sa kakulangan sa ating panahon at wala tayong nakakatulong na staff para mag-ayos ng mga teknikal na pangangailangan natin sa kasalukuyan.

Kung may nais na magboluntaryo sa mga kasama na kabilang sa 233 para tumulong sa pag-maintain ng ating website dito sa blog ay mungkahing ipaabot agad sa ating mga lider para mabigyan agad ng instruction kung paanong makatutulong.

hanggang dito na lang muna t maraming at pagpupugay sa walang sawang pakikibaka!

TMPCWA-Temporary technical staff