SEPTEMBER 12, 2007 – ANTI-TOYOTA GLOBAL ACTION!
Ika-12 ng Setyembre taong 2007 ay muling ilulunsad at iguguhit sa kasaysayan ng kilos- paggawa ang solidaridad ng libo-libong manggagagawa na nabibilang sa maraming organisasyon sa iba’t-ibang bansa upang suportahan ang panawagan ng TMPCWA, sa “Anti-Toyota Global Day of Protest” laban sa kapitalistang Toyota.
Hindi hadlang ang kaibahan ng kulay ng balat, nasyonalidad , at lengguwahe upang pagkaisahin ang mga manggagawa sa buong mundo, upang sama-samang tuligsain at kondenahin ang kapitalistang Toyota, sa mga ginagawang panunupil nito sa karapatan ng mga manggagawa.
Isang taon na ang nakakalipas ng manawagan ang TMPCWA ng isang araw na “International Day of Protest” laban sa Toyota, para sa Reinstatement ng mga manggagawang iligal na tinanggal. Ang panawagan ay buong siglang sinuportahan ng mga manggagawa sa buong mundo sa pangunguna ng IMF (Internationale Metalworkers Federation) at nang mga kaalyadong pederasyon sa ilalim ng IMF. Suportado rin ang panawagan na ito ng mga manggagawa mula sa Support Group for TMPCWA-Japan.
Naabot natin ang mataas na suporta ng pagkilos laban sa multinasyunal/transnasyunal na kapitalistang Toyota, nang mailantad natin ang ginagawang pagsasamantala sa karapatan ng mga manggagawa at pagkakait sa tunay na hustisya-sosyal sa mga manggagawang iligal na tinanggal ng Toyota.
Nalantad din ang kainutilan at kapabayaan ng gobyerno, higit ang liderato ng ahensiyang dapat sana ay tumutugon sa pangangailangan ng mga manggagawa tulad ng DoLE, at Secretary of Labor na si Brion.
Ang patuloy na International Solidarity ng mga manggagawa ng mundo para sa TMPCWA ang ibayong naglantad sa mga anti-unyong patakaran ng Toyota. Ilan dito ang mg ss;
1. Ang pakikipagsabwatan ng manedsment ng Toyota, sa ilang manggagawa nito parkular sa mga lider ng dilawan at unyong isponsor na tulad ng TMPCLO. Kasabwat ang ilang bayarang opisyales ng Department of Labor, inilunsad ang isang iligal na Certification Election at iligal na rekognisyon sa TMPCLO. Gumamit ng taktikang panunuhol ng pera sa pamamagitan ng pangakong benipisyo ang sabwatang TMPCLO-DOLE-Toyota, sa isang mapanlinlang na CBA at intimidasyon naman sa mga manggagawa na hindi sumusuporta sa dilawang unyon ng Toyota.
2. Naglabas ang kapitalista ng ilang propaganda-media, para ipakita sa lokal at internasyunal na solidarity ng TMPCWA, na tapos na ang sigalot sa pagitan ng manggagawa at kapitalistang Toyota. Subalit hindi mapagtatakpan ang katotohanan na tuloy-tuloy pa rin ang kaawa-awang kalagayan ng mga iligal na tinanggal at ang bantang tanggalan sa loob ng pagawaan.
3. Ilang manggagawa na rin ang nag-resign at madami pa ang kasalukuyang nagbabalak dahil na rin sa walang kasiguruhang maibigay ang manedsment ng Toyota na hindi sila maaapektuhan sa lumalalang kontraktuwalisasyon sa loob ng pagawaan.
4. Ang paglalantad sa mas higit na pag-dagsa ng manggagawang kontraktuwal/ trainee na direktang gumagawa sa produksyon sa loob ng planta. Kamal-kamal na tubo ang nakakamal ng Toyota sa mga manggagawa na nag-aalay ng dugo at pawis kapalit ang anim na buwang pagtatrabaho at walang kasiguruhan sa trabaho bagkus ay mas mababa pa sa minimum wage ang pasahod na tinatanggap ng mga ito.
Dama ng kapitalistang Toyota na lumalaki ang inaaning suporta hindi lamang sa lokal sa halip maging sa internasyunal din. Hindi titigil ang mga manggagawa sa ilalim ng TMPCWA at mga taga-suporta sa buong mundo, upang sama-sama at kapit-bisig na labanan ang inhustiyang idinudulot ng Toyota laban sa kanyang mga manggagawa.
Nagpapasalamat ang TMPCWA sa mga suporta ng lokal at internasyunal na organisasyon sa mga pagkilos at panawagan na ibalik ang mga manggagawang iligal na tinanggal at kilalanin ang tanging Unyon na kinikilala ng Supreme Court at ILO bilang tunay na kinatawan ng mga manggagawa sa loob ng Toyota. Ang tagumpay na ito ay tagumpay ng lahat ng mga manggagawa sa lahat ng sulok ng mundo.
IPATUPAD ANG PINAL NA DESISYON NG KORTE SUPREMA!
IPATUPAD ANG APAT NA REKOMENDASYON NG INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION!
- IBALIK ANG MGA MANGGAGAWANG ILIGAL NA TINANGGAL!
- ALISIN ANG MGA IMBENTONG KASONG KRIMINAL SA 18 KASAPI AT LIDER NG TMPCWA!
- KILALANIN ANG UNYON TMPCWA!
- SIMULAN ANG CBA NEGOTIATION SA TMPCWA!
MABUHAY ANG MGA MANGGAGAWA NG TOYOTA!
TOYOTA MOTOR PHILIPPINES CORPORATION
WORKERS ASSOCIATION (TMPCWA)
Ika-12, ng Setyembre 2007