Wednesday, February 14, 2007

Here we post our letter to the management requesting for a dialogue. Please see the translated version to the other site of TMPCWA - http://www.tmpcwa.org .



TOYOTA MOTOR PHILIPPINES CORPORATION
WORKERS ASSOCIATION (TMPCWA)
1482 Elephant Street, Group 5, Fort Bonifacio, Makati City
Tel. No. 02-882-63-71 / Email: tmpcwa@edsamail.com.ph / tmpcwa1998@yahoo.com / Website: http://www.tmpcwa.org/ / http://wwwtmpcwa.blogspot.com/


Ika - 7 ng Pebrero 2007

Para kay: MA. CRISTINA AREVALO
H.R. Department Manager

Hinggil sa: Hiling na pakikipag-usap ng Grievance Committee ng TMPCWA

Pagbati!

Ang aming unyon TMPCWA, ay patuloy sa pagsusulong ng mga batayang interes ng mga manggagawa ng Toyota at bilang Unyon na may moral at legal na batayan ay kumikilos kami para sa hinaing ng mga manggagawa at katawanin sila na maisahapag ang kanilang mga problema o suliranin.

May mga idinulog sa aming pamunuan ang mga manggagawang rank and file na mga suliranin hinggil sa; Harrassment, Discrimination, Intimidation sa mga kasapi at mga lider ng TMPCWA sa loob ng Toyota.

Sa mga nabanggit sa itaas, hinihiling ng TMPCWA sa pamamagitan ng aming Komite sa Grievance ang isang pormal na pakikipag-diyalogo sa bagong H.R. Department Manager Ma. Cristina Arevalo, upang pag-usapan at agad na maaksyunan o maayos ang mga suliraning ito. Nais namin itong maganap sa ika-9 ng Pebrero 2007, sa ganap na ika-2:00 n.h., saan mang lugar sa loob ng planta.

Hinihiling din namin na payagan ng mga Superior ang mga kinatawan ng aming Komite at pansamantalang bigyan ng kahalili sa kanilang pwesto sa produksyon sa oras na nakasaad dito na sina Wenecito Urgel, Armando Ibanez, Domingo Javier at Jeff Pasamba.

Nais ng TMPCWA na pag-usapan ang mga bagay na ito sa antas ng relasyon ng manggagawa at ng Management, upang hindi na humantong pa sa mas malaking usapin at dag-dag na kaso.

Maraming salamat at umaasa kami sa mabilis na pagtugon ng Management na pagbigyan ang aming kahilingan.


Para sa manggagawa,

ED G. CUBELO

No comments: