Sunday, May 13, 2007

isang tipikal na summer outing sa Toyota

natapos ang summer outing pero katulad ng dati ay madaming issue ang ating natunghayan na para bang hindi na mawala-wala sa kultura ng toyota. kaya natin ito pinag-usapan sapagkat gusto natin mapalitan ang masasamang kulturang nakasanayan na patuloy na namamayani sa pagawaan ng toyota, hindi upang siraan ang kumpanya, ngunit upang ituwid ang masamang kaugalian na ating nakagisnan na.


gawa na rin na madalas tini-tolerate ito ng kumpanya. siguro dahil sa hindi niya masyadong binibigyan ng kaukulang atensyon ang mga bagay na ito. partikular din dahil sa mga "bata"niya ang karaniwang pinagmumulan ng mga insidenteng ito.

simulan natin ang naging kaganapan noong outing. dumating ang mga team member na magsasaya sa lugar na pagdadausan ng summer outing ngunit mukhang hindi napaghandaan mabuti, katulad ng mga nagdaan pang mga summer outing. isang reklamo ng mga dumalo na hindi sapat ang almusal na inihanda sa kanila. almusal ang pinaka-importante pagkain para sa atin dahil dito tayo kumukuha ng lakas para sa simula ng mga gawain sa araw. pero sapat ba na ang handa ay gulaman at suman lamang sa almusal?

ang pagsasa-ayos ng assignment ng cottages ay naging problema din sapagkat malayo sa sentro ng party. naging problema din na ang mga OJT na sumama ay hindi nabigyan ng atensyon kung kanino sasama kaya karamihan sa kanila ay kanya-kanya na lang ng hanapan ng masasamahan na cottage.masuwerte ang ilan dahil nakakuha sila ng magandang puwesto sa itaas samantalang yung ibang nasa baba ay nagtiis na lamang na malayo sa lugar.

isa pa ring kapansin-pansin sa mga corporate outing na ito ay hindi pa rin nakikita ang pagsasama-sama ng iba'tibang division ng kumpanya. hindi natin nakikita ang pakikihalubilo ng bawat isa sa iba't-ibang division. siguro kapabayaan na rin ng ating mga superior na ma-unite ang bawat isa dahil na rin siguro na hindi naman talaga gumagawa ng effort ang top management na makihalubilo sa mga rank and file niya. kung kaya't mas lalong nakita natin na hindi talaga buo ang kumpanya.

nandoon pa rin ang mga ilang insidente ng mga nagkakainitan ng ulo gawa na rin siguro na lango sa alak ang mga nagsasaya sa outing. hindi ba lasing din noon si maton na angel dimalanta ng ito ay maghari-harian at manakit ng kapwa niya team member last year? isang malaking problema ang hindi madisiplina natina ang mga sarili sa pag-inom ng sobra sa mga okasyon na ganito. kaya't paulit-ulit na nangyayari ang mga ganitong insidente ng karahasan.

gaya ng inaasahan ay naubusan ulit ng pagkain ang mga kasamahan natin nung dumating ang tanghalian at kinailangan pang maghintay para makakain. bagamat madami ang hindi dumalong regular sa outing at karamihan pa sa mga dumalo ay trainee, pero hindi pa rin naging sapat ang paghahanda sa pananghalian upang matugunan ang pagkain ng mga kasama natin. kakulangan sa preparasyon ang pangunahing dahilan sa mga problemang ito. siguro ay hindi rin nababagay yung kalidad ng lugar na pinagdausan ng outing ng Toyota sa dami ng mga empleyado nito kasama na ang pamilya at mga OJT.

naging kapansin pansin na talaga ang pagbaba ng kalidad ng mga summer outing ng Toyota kumpara ang mga outing na ginanap noong panahon ni G. Mitake. siguro napapanahon na upang seryosohin na ayusin ang mga problemang ito dahil nakikita ang pagkakaisa sa loob ng Toyota kung matagumpay ang mga outing.

napapanahon na siguro upang mapaganda pa ang mga outing natin. kung tunay lamang na aalamin ng kumpanya kung ano ang gusto ng mga team member ay siguradong marami na ang sasama sa mga outing na ito. kadalasan kasi na ang tunay lamang na nag-eenjoy sa mga outing na ganito ay yung mga "advance party" para sa outing. eto yung mga tao na malapit sa kapitalista kaya't sa tingin ng karamihan ay parang isang obligasyon na gawain na lamang na umatend ng outing upang makaranas man lang ng libreng ligo at hindi ang magkaroon ng pagkakataon na makahalubilo angManedsment, ang mga superior at ang mga karaniwang manggagawa at ng mga trainees at maramdaman nila na tunay na pinapahalagahan ng Toyota manedsment ang kanilang presensya.

No comments: