Kasabay ng pandaigdigang araw ng mga manggagawa, ang TMPCWA ay mahigpit na nakikibahagi sa araw na ito, kasama ang daan-daang manggagawa sa Southern Tagalog Region. Saksi ang mga kasapi ng TMPCWA sa tunay na kahulugan ng pagkakaisa ng mga tunay at progresibong organisasyon dito sa rehiyon ng Timog Katagalugan.
Mahigit isang daang kasapi ng TMPCWA, sampu ng mga pamilya at kaibigan ang dumalo at nakilahok sa pagdiriwang ng May 1, Labor Day. Nakikibahagi ang TMPCWA sa pag-eendorso sa kinatawan ng Partylist Anak-Pawis ng Southern Tagalog, ang kinatawan para sa Kongreso na nagsusulong ng mga tunay na interes ng mga manggagawa at maralitang taga-lungsod.
Sa araw ding ito ay inilunsad ang ating taunang General Assembly meeting para sa lahat ng mga kasapi ng Unyon TMPCWA. Pinag-usapan at tinalakay ang mga pinakabagong kaganapan sa planta ng Toyota, ang mga nakabinbin na kaso sa mga korte at ang mga plano ng Unyon, upang patuloy na paigtingin at palawakin ang protesta laban sa Toyota Management at sa mga ahensya ng Gobyerno, na nakipagsabwatan sa Toyota, upang pigilan ang karapatan ng mga manggagawa na pumili ng isang Unyon na makikipaglaban para sa kanilang karapatan.
Naging matagumpay ang dinaos na GA at May 1 Labor Day celebration, dahil sa tinugon ng mga manggagawa ng Toyota at ng mga manggagawa sa Southern Tagalog ang panawagan para sa pagkakaisa laban sa panunupil ng mga karapatan ng mga manggagawa. Muli nakita natin na ang tanging makakatulong sa mga problemang kinahaharap ng mga manggagawa ay ang patuloy na komunikasyon at pinaigting na pagkakaisa ng mga manggagawa.###