Tuesday, July 31, 2007

ANTI-TOYOTA GLOBAL NA KAMPANYA 2007

ika-20 ng Hulyo 2007

BALITA

Noong nakaraang taon ay naging positibo at matagumpay ang paglulunsad ng September 12, 2006 International Day of Protest, para sa “REINSTATE THEM NOW CAMPAIGN”, sa pangunguna ng International Metalworkers Federation Headquarter. Sa kabila ng mainit at mahigpit na suporta ng may 71 Organisation sa 44 na bansa, na naglunsad ng ibat-ibang anyo ng kilos protesta tulad ng; picket-protest sa Japanese Embassies worldwide, ay nanatiling bingi ang Toyota at patuloy na hindi iginagalang ang mga Supreme Court Decision at International Labor Organization Recommendation, para iresolba ang mahigit anim na taon ng lumalalang labor dispute sa Toyota.

Sa halip mas naging kumplikado ang sitwasyon sa naging tugon ng Toyota sa mga protesta ng international solidarity, nang bigla nitong i-recognize ang Bogus at company union TMPCLO at agarang tinapos ang isang Collective Bargaining Agreement, para pagtakpan at labanan ang bansag sa Pagiging Number One Union Buster ng Toyota sa Buong mundo.

Bilang paghahanda sa nalalapit na bagong global na kampanya laban sa anti-manggagawang patakaran ng Toyota at upang muling ipanawagan ang “Reinstatement” ng mga illegal na manggagawang tinanggal ng Toyota, na pangungunahan ng TMPCWA at ng Support Group for TMPCWA – JAPAN, ay muli rin na hinihikayat ang lahat ng mga kaibigan at taga suporta ng TMPCWA, gayundin nananawagan ng International Solidarity ang TMPCWA, para muling maisakatuparan at muling mapagtagumpayan ang magiging kampanya ng global action against Toyota.

Ang mga programa at mga hakbang para sa ilulunsad na global na kampanya ay ilalabas sa mga susunod na mga araw. Umaasa ang TMPCWA at ang Support Group ng TMPCWa sa Japan, na ang lahat ay mahigpit na makikiisa at mainit sa susuporta sa ikatatagumpay ng global na kampanya at ikatatagumpay ng pakikibaka ng mga manggagawa ng Toyota sa ilalim ng TMPCWA.

Maraming salamat,

Longlive International Solidarity!

ED CUBELO

Pres-TMPCWA

No comments: