Monday, December 3, 2007


KATARUNGAN PARA SA MGA MANGGAGAWA NG TOYOTA AT MGA PAMILYA!

Ang BATAS ay nilikha upang bigyang proteksyon ang karapatan ng bawat nilalang, hindi para maglingkod sa interes lamang ng iilan.

Taliwas sa kaso ng mga manggagawang iligal na tinanggal ng Toyota, nang maglabas ng isang makaisang panig na desisyon ang Korte Suprema, sa diumano’y Illegal Strike/ Illegal Dismissal na kaso na may G.R. Nos. 158789/ 158798, noong ika-19 ng Oktubre 2007.

WHEREFORE, the petitions in G.R. Nos. 158786 and 158789 are DENIED while those in G.R. Nos. 158798-99 are GRANTED.

The June 20, 2003 CA Resolution in CA-G.R. SP Nos. 67100 and 67561 restoring the grant of severance compensation is ANNULLED and SET ASIDE.

The February 27, 2003 CA Decision in CA-G.R. SP Nos. 67100 and 67561, which affirmed the August 9, 2001 Decision of the NLRC but deleted the grant of severance compensation, is REINSTATED and AFFIRMED.

No costs.

SO ORDERED.

PRESBITERO J. VELASCO, JR.

Associate Justice

MASSACRE; ito ang pagsasalarawan ng mga manggagawang iligal na tinanggal, sa desisyon ng Korte Suprema. Walang katarungan at napakahalata; na ang pinagsisilbihan lamang ng deisyon, ay ang dayuhang multi-nasyunal at trans-nasyunal na dambuhalang korporasyong Toyota.

Walang ni-katiting na argumentong pinakinggan ang Korte Suprema, mula sa 227 manggagawang iligal na tinanggal ng Toyota. Ang bawat piraso ng makapal na bilang, na may apatnapu’t syam (49) na pahinang desisyon, ay parang talim ng isang tabak, na isa-isang humihiwa, sa katawan ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya, kung babasahin ang nilalaman ng Massacre na desisyon.

Sa dalawang mayor na puntong kinakailangang mabigyan ng patas at makatarungang pagsusuri, tila ba pinaggigilan pa ng mga huwes, ang walang kalaban-laban na mga manggagawa. Animo’y may malaking pagkakasala sa mga Hurado ang mga manggagawa, upang paghigantihan at gamitin ang natutunan ng mahabang panahon sa pagsusunog ng kilay. Muling isinalang sa hasaan ng gulok ang kaisipan hanggang sa maging isang KILLER DECISION.

Ang tunay at makatotohanang mga argumento ng unyon, na walang paglabag at hindi iligal ang mga naging pagkilos ng mga manggagawa, sa ibat-ibang okasyon, ay pinilit baluktutin at dinistrungka ng Korte Suprema. Hindi lamang kinopya, sa halip ay dinagdagan pa ng Korte Suprema, ang mga paratang sa laman ng Petisyon ng Toyota, laban sa mga manggagawa.

Kalkalin natin ang laman-laman ng ala-massacre na decision ng Korte Suprema at subukang sagutin ng katotohanan mula sa tunay na mga pangyayari na inihapag lahat ng mga manggagawa, subalit hindi man lang nilingon ng may tapa-ohong takip sa mata ng mga hurado ng 2nd Division:

Sabi ng 2nd Division; Illegal Strike ang naging pagkilos ng mga manggagawa ng Toyota, noong February 21, 22, 23, 2001, nang magtungo ang mga manggagawa sa Bureau of Labor Relations – Department of Labor and Employment (BLR-DOLE), sa mga batayang; Una, walang Notice of Strike and Unyon. Hindi sinunod ng Unyon ang mga kailangang rekisitos, bago maglunsad ng isang welga, tulad ng pag-Apply ng Notice of Strike, paglulunsad ng Strike Vote, at pagpapasa ng resulta ng Strike Vote sa DOLE.; Pangalawa, hindi kumuha ng PERMIT to RALLY ang unyon sa City hall ng Manila.; Pangatlo, Nilabag ng Unyon ang Patakaran at Regulasyon ng Kumpanyang Toyota.

Ang tunay na kaganapan sa okasyong ito; noong February 21, 2001 ay nagpatawag ng isang Clarificatory hearing ang BLR, upang dinigin ang apela ng Toyota sa desisyon ng Med-Arbiter at ng Under-Secretary ng DOLE, na ang Unyon - Toyota Motor Philippines Corporation Workers Association (TMPCWA) na isa ng ganap na Sole and Exclusive Bargaining Agent (SEBA), sa lahat ng rank and file ng Toyota. Hindi natapos ang ipinatawag na Hearing ng BLR, kaya nagtakda muli ng isa pang araw noong February 22 at muling naulit ng February 23, 2001 na dinaluhan ng mga manggagawa, upang magbantay sa maaring gawing hindi patas na pagdinig ng BLR.

Argumento ng Unyon; Una, paano kakailanganin ang Notice of Strike at maglulunsad ng Strike Vote at maipapasa ang resulta sa DOLE, samantalang ang araw na ito ay HEARING na ipinatawag mismo ng BLR-DOLE? Katunayan may imbitasyon mula sa BLR ang Unyon gayundin ang Toyota. Lahat din ng dumalo sa Hearing sa hanay ng Unyon ay pinayagan ng Toyota, at naka-Vacation Leave.; Pangalawa, paanong kakailanganin ang isang Permit to Rally, gayung Hearing nga ang dinadaluhan ng mga manggagawa. Isa pa, malinaw sa sinasaad ng sagradong pahina ng Saligang Batas ng Pilipinas, ang malayang pagpapahayag (Freedom of Speech at freedom to Assemble), gayundin ang pagkilala sa karapatan ng mga manggagawa, sa malayang pag-tatayo ng Unyon.; Pangatlo, hindi kayang saklawan ng isang Company Rules and Regulations ang Pinakamataas na batas ng Konstitusyon, na kumikilala sa karapatang mag-unyon, na nais namang supilin ng Toyota.

Sabi ng 2nd Division; Illegal Strike ang welga ng mga manggagawa noong March 28 hanggang April 12, 2001 at isinama rin ang mga araw mula March 17 hanggang April 12. Una, dahil kahit pa sinunod ng Unyon ang lahat ng rekisitos na ipinapatupad ng DoLE, ay nilabag naman ng mga manggagwa ang Temporary Restraining Order, sa Free Ingress To And Egress From o pagharang sa mga Gate ng Kompanya.; Pangalawa, ang mga larawan na ipinakita ng Toyota sa Korte Suprema, ay walang dudang may ginagawang pananakot ang mga manggagawa.; Pangatlo, ipinakita ng AFFIDAVIT o Sinumpaang Salaysay ang masamang salitang sinabi ng manggagawa na BAKERU!.

Ang katotohanan; Iligal na tinanggal ng Toyota ang mahigit 300 kasapian at mga lider ng Unyon, noong March 16, 2001, kasabay ng araw na inilabas ng Department of Labor, ang pinal na desisyon, na ang Unyon (TMPCWA) ay isa ng ganap na SOLE and Exclusive Bargaining Agent, para sa lahat ng manggagawang rank-n-file ng Toyota. Sa kabila ng pagtatanggal sa manggagawa, naging makatarungan pa rin ang Unyon. Sinikap na abutin ng Unyon ang Manedsment, upang ibalik ang mga manggagawang iligal na tinanggal. Sa loob ng dalawang linggo, hindi nakipagusap ang Toyota. Walang nagawa ang unyon kundi’ idepensa ang mga manggagawang iligal na tinanggal at ipinutok ang welga noong March 28, 2001.; Pangalawa, hindi totoong hinarangan ng mga manggagawa ang Gate ng Toyota sa panahon na may TRO. Ang mga larawan na ipinakita ng Toyota ayon sa desisyon ng Korte Suprema na may isang manggagawa na nakaharang sa isang gate at tatlo naman sa isa pang Gate. Paanong kakayaning harangin ng isang manggagawa o tatlong manggagawa ang tag-isang gate ng kompanya? Kapag hinarang ito kahit pa limang tao, isang sagasa lamang ng sasakyan ng Toyota ay kayang hawiin o mabuwag ang mga manggagawa, kaya saan hinugot ng Korte Suprema ang kanyang pagsusuri sa mga pangyayari?; pangatlo, paanong binigyan ng halaga ng Korte Suprema ang isang Affidavit, samantalang hindi man lang ito dumaan sa isang Cross-Examination, at hindi man lang napatunayan kung sino man ang mga tinutukoy na tao at toong kung may nagbitaw ba ng masamang salita? Napaka-garapal naman yata?

Sabi ng 2nd Division; Illegal Strike ang pagkilos ng mga manggagawa noong May 23 at 28, 2001. Una; dahil kahit naka-Pay-Roll Reinstated o ibinalik lang sa pamamagitan ang manggagawa, subalit hindi ibinalik sa pagawaan, at magprotesta sa harap ng Kumpanya ay labag sa batas. Nilalabag ng manggagawa ang Assumption Order na inilabas ng Seretary of DoLE na si Patricia Sto. Tomas.; Pangalawa, makakalikha pa ng posibleng kaguluhan ang protesta sa mga manggagawang nasa loob ng kumpanya.

Ang katotohanan; noong May 23 at 28, 2001, walang naganap na welga. Hindi rin nag-DEFY ang Unyon sa Assumption Of Jurisdiction (A/J) na inilabas ng DoLE.; Una, ang inilabas na Assumption Order (I/O) ni Sto. Tomas ay espesyal at ang nilalaman ay napakagarapal at paborable sa Toyota. Ang A/J I/O ay Return to Work Order, galing sa Secretary of DOLE. Kautusan ng Kalihim ng Paggawa na pahintuin ang welga at pabalikin ang mga manggagawa sa trabaho. Subalit, isang espesyal na AJ ang ang ibinigay ng DOLE sa Toyota ng ilagay ni Sto. Tomas sa kanyang kautusan ang lahat ng karapatan sa Toyota management, na pumili kung sino lamang ang pababalikin at ang hindi. Hindi pinabalik ng Toyota ang 227 at inilagay lamang sa Payroll Reinstatement.

Noong May 23, 2001, araw ito ng sweldo. Araw din ng 227 na kuhain ang mga pay-slip sa gate ng Toyota. Ginamit ng Toyota ang Araw na ito at buong kasinungalingan na ginamit sa DOLE-NLRC na iligal na nagwelga ang mga manggagwa. Hindi nakuha ang mga payslip ng mga manggagawa, at inilipat ng araw ng May 28, 2001. Pinaghandaan ito ng Toyota at nilagyan ng desenyo para pwersahang buwagin ang mga manggagawang kumukuha lamang ng mga Payslip sa hudyat ng pagpapaputok ng Shot-Gun ng gwardya ng tatlong beses. Marahas na pinagpapalo at ginulo para buwagin ang planadong atake ng Toyota sa mga manggagawa. Hindi ito binigyan ng pansin ng Korte Suprema.

Kahit katiting ay hindi binigyan ng konsiderasyon ng Korte Suprema kung bakit nagkaroong ng mga pagkilos ang mga manggagawa. Hindi man lang nangahas ang Korte Suprema na kahit patay-malisya na sagiin, na kaya nagwelga ang mga manggagawa ay may Union Busting, na ginawa ang Toyota, sa malawakang iligal na tanggalan sa 227 manggagawa, na lahat ay kasapi at mga lider ng Unyon. Ni-hindi man lamang natisod ang Korte Suprema. Hindi man lang nagbanggit ang Korte Suprema, Kahit man lang pabulong sa kanyang desisyon, na hindi kinilala ng Toyota ang mga desisyon ng DOLE, na kumikilala sa rekognisyon ng unyon, bilang lehitimong Unyon na may moral at legal na batayan, para maglunsad ng mga protesta.

NASAAN ANG KATARUNGAN SA DESISYON NG KORTE SUPREMA?

Pitong taon mahigit, matiyagang hinintay ng mga manggagawa ang magiging desisyon. Umaasang pakikinggan ng Korte Suprema ang mga argumentong inihapag ng Unyon. Umaasang mabibigyan ng katarungan ang pitong taon, na pagtitiis sa kabila ng kawalang hanap-buhay. Umaasang mabibigyan ng katarungan ang anim (6) na mga anak ng mga manggagawang namatay, dulot ng kahirapan. Umaasang mabibigyan ng katarungan ang isang kasaping namatay dahil sa pagkakasakit habang nagpapatuloy sa paglaban. Umaasang mabibigyan ng katarungan ang mga pamilyang winasak, dulot ng tanggalan. Umaasang ang mga materyal na bagay, na nawala sa mga manggagawa, ay maibabalik kahit hindi lahat. Higit, umaasa na mabibigyan ng katarungan, ang dignidad ng mga manggagawang mas pinili na ipaglaban, ang pundamental na karapatan nila bilang manggagawa. Umaasang hanggang sa huli ay mabibigyan ng katarungan, na maitayo ang isang Tunay na unyon, na magsisilbi sa tunay na interes ng mga manggagawa sa loob ng mahigit labing limang (15) taon ng pakikibaka.

Sa paghihintay ng desisyon, kasabay ng walang humpay na pakikibaka. Umani ng malawak na suporta ang Unyon-TMPCWA. Hindi lamang sa loob ng Pilipinas, kundi’ sa maraming bansa. Kinilala ang dakilang pakikibaka ng mga manggagawa ng International Solidarity at ang nagging tuntungan ay ang Desisyon ng Korte Suprema noong September 24, 2003 at January 28, 2004 na nag-uutos sa Toyota, para simulan ang CBA negotiation. Hanggang sa kasalukuyan hindi ipinatupad ng Toyota ang kautusan ng pinakamataas na hukuman. Maging ang rekomendasyon ng International Labor Organization ay hindi pinakinggan ng Toyota.

Dahil sa mga pangyayaring ito, malakas na boses ng International Solidarity ang umalingawngaw sa mundo. Inilunsad ang International Day of Protest, laban sa anti-manggagawang patakaran ng Toyota. Nilahukan ito ng apatnapu’t apat (44) mga bansa na may pitumpu’t pitong (77) organisasyon at mga global na organisasyon sa buong mundo. Sabay-sabay na naglunsad ng kilos-protesta sa harap ng Japanese Embasy ng 44 na bansa noong September 12, 2006. Nasundan pa muli ng International Global Day of Protest Against Toyota noong September 12, 2007. Maraming mga sulat-protesta ang natanggap ng Toyota at ng DOLE.

Bilang ganti ng Toyota at ng Department of Labor Secretary patricia Sto. Tomas at Bagong Secretary Arturo Brion, sa malawakang suportang inaani ng mga iligal na tinanggal at ng unyon-TMPCWA. Magkasabwat nilang nilikha ang dilawang Unyon sa Toyota. Agad na kinilala ng Toyota ang kanyang isponsor na unyon na Toyota Motor Philippines Corporation Labor organization at mabilis na tinapos ang CBA.

Hindi katulad ng KILLER Desisyon ng Supreme Court, nais ng TMPCWA, na ilabas ang tunay na katotohanan sa distrungkadong LEGAL SYSTEM ng Pilipinas. Nais nating ipakita kung ano ang aasahan sa ganitong sistema, sa ilalim ng lipunan na ang umiiral at pinaglilingkuran ay ang kapangyarihan lamang ng naghaharing uri sa kabuuan.

Inilabas ang Supreme Court Decision, para i-Massacre hindi lamang ang Unyon-TMPCWA at ang mga manggagawa at pamilya ng mga manggagawang iligal na tinanggal. Sa halip, nais ng mga nagdidikta para mabuo ang desisyon para tiyakin na ang sasapulin ay ang buong kilusang paggawa sa kabuuan. Napakapulitikal ng desisyon. Nais ng Toyota na ibalibag sa International Solidarity ang Supreme Court Decision, para matigil na ang lumalawak na International Support ng Unyon, na malaking banta sa pamamayagpag ng Toyota bilang bagong hari ng mga CAR Companies sa buong mundo.

Hindi maikakaila, na may kinalaman ang Rehimeng Gloria Arroyo, sa paglabas ng MASSACRE Decision. Walang takot nating ilantad kung paano at bakit natin sinasabi ito;

xxx GMA receives RP's first-ever 'hybrid' sedan

By Carlito Pablo

October 11, 2002

Page A1 (PHILIPPINE DAILY INQUIRER)

THE FIRST-EVER "hybrid" sedan in the country that runs on both electric and gasoline power was presented to President Macapagal-Arroyo yesterday.

Toyota president Fujio Cho turned over the key of a light aqua environment-friendly Toyota Prius to President Macapagal when she visited the car firm's plant in Sta. Rosa, Laguna.

Valued at $20,000 including taxes, the Prius is available only in Japan, the United States and some parts of Europe. Xxx

SEPTEMBER 2001 SPEECH NI GMA SA PAGPUNTA SA JAPAN

WE ARE DETERMINED TO IMPROVE OUR COMPETITIVENESSALSO BY MINIMIZING LABOR DISPUTES. THE DEPARTMENT OF LABOR AND THE DEPARTMENT OF TRADE HAVE FORMED QUICK REACTION TEAMS TO PRO-ACTIVELY ASSIST IN SETTLING LABOR-MANAGEMENT DISPUTES BEFORE THEY DEVELOP INTO CONFRONTATIONAL SITUATIONS. BECAUSE OF THIS CONCILIATION AND MEDIATION OF THE DTI AND THE DEPARTMENT OF LABOR MORE THAN 400 ANNOUNCED STRIKES DID NOT ACTUALLY TAKING PLACE-BECAUSE RECONCILIATION WAS MADE BY THE INTERVENTION OF THE GOVERNMENT. RECENTLY, OUR ARBITRATION COURT RESOLVED A LABOR DISPUTE IN FAVOR OF TOYOTA-PHILIPPINES MANAGEMENT.

Xxx SEPTEMBER 14, 2001 (P2-PHILIPPINE DAILY INQUIRER)

STAY IN RP, GLORIA ASKS JAPANESE

TOKYO – (via – PLDT) – President Macapagal-Arroyo practically begged Japanese businessmen to keep their investments in the Philippines, saying the country was willing to do all it could to protect them and their investments.

“ We will do what we need to do… to make you successful and globally competitive because we want you to stay with us,” Ms Macapagal said at the end of her speech during a luncheon with the Philippines-Japan Economic Cooperation at the Hotel New Otani here.

“We call on the Japanese companies, especially those already in the Philippines to be with us as the new government embarks on a journey into the new economy of the new century,” she said.xxxx

ALAM NG TOYOTA, ALAM NG MGA MANGGAGAWA, KUNG SINO ANG TUNAY NA MAY SALA!

Ang MASSACRE NA DESISYON, ay hindi kayang igupo ang Unyon, kahit pa nagmula sa pinakamataas na hukuman ng Korte Suprema, sapagkat, ang pakikibaka ng mga manggagawa ng Toyota, kabilang na ang mga pamilya ng mga manggagawang iligal na tinanggal ay napakadakila.

PATULOY NA SUPORTAHAN ANG DAKILANG PAKIKIBAKA NG MGA MANGGAGAWA NG TOYOTA!

PINAKAMALAKAS NA PAGKONDENA SA MALA-MASSACRE NA DESISYON NG KORTE SUPREMA!

PINAKAMALAKAS NA PAGKONDENA SA TOYOTA!

KATARUNGAN PARA SA MGA ILIGAL NA TINANGGAL NG MGA MANGGAGAWA NG TOYOTA AT MGA PAMILYA!

Mabuhay ang mga manggagawa ng Toyota!

Mabuhay ang Uring manggagawa!

(mga karagdagang impormasyon)

PGMA's Speech during the Signing of the Memorandum of Understanding among the Conservation International Foundation, Toyota Motor Corporation, Department of Environment and Natural Resources and the Municipal Government of Peñablanca, Cagayan
Thursday, September 13, 2007
Rizal Hall, Malacañang



Maraming salamat sa ating bagong Secretary of Environment and Natural Resources, Secretary Lito Atienza.

Congressman Manny Bamba, the congressman of the 3rd District of Cagayan where Peñablanca is located; Doctor George Ty, Chairman of Toyota Motor Corporation; Okabe San, Managing Director; Mr. Prickett and Mr. Hess of Conservation International; Mayor Julia of Peñablanca; other local government officials of Peñablanca; other officers of Toyota; ladies and gentlemen.

Today, we move forward with all the stakeholders of the Peñablanca protected landscape and seascape -- with the full support of the people. This is another milestone towards Green Philippines.

Toyota Motor, the biggest automaker in the world, as Mr. Okabe said, is funding this six-year project with a grant of 350 million yen. Thank you, Toyota.XXX

XXX I want to congratulate the 3rd District of Cagayan and the municipality of Peñablanca, and thank Toyota and Conservation International for being an important part of the new Philippines.

We hope that other global citizens will invest in our environment, following the lead of Toyota Motors Corporation and Conservation International.XXX

XXX PGMA leads groundbreaking rites of Toyota expansion plant in Laguna (MARCH 15, 2007)

STA. ROSA CITY, Laguna – President Gloria Macapagal-Arroyo led today the groundbreaking of Toyota Autoparts Philippines’ (TAP) R-type transmission plant, part of the company’s fresh P5.6-billion expansion investment in the Philippines for its production and export of manual transmissions. XXX

No comments: