Tuesday, December 4, 2007

Kilos - Protesta sa Harap ng Toyota

Naglunsad ng kilos-protesta ang TMPCWA sa harapan ng planta ng Toyota Sta. Rosa Laguna ang TMPCWA noong ika-23 ng Nobyembre upang mahigpit na kondenahin ang matinding sabwatan ng kapitalistang Toyota at ng 2nd Division ng Korte Suprema sa Masscre Decision.

Kinukundena ng mga manggagawang iligal na tinanggal ang desisyon ng Korte Suprema dahil sa hindi makatao at hindi makatarungan at labag sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Sinalaula ng 2nd Division ng Korte Suprema sa pangunguna ni Justice Prisbetero Velaso ang Saligang Batas ng Pilipinas kung saaan nakasaad ang umiiral na batas sa FREEDOM OF EXPRESSION AT FREEDOM OF ASSOCIATION. Mas binigyang bigat at mas kinilala ang isang Company Rules and Regulation na anti-manggagawa at anti-konstitusyon ni Velasco para lamang pagbigyan ang mga kapritso ng Toyota.

Pinaniniwalaang ang desisyon ng 2nd Division ng Supreme Court ay layunin na pigilin ang ibayong paglawak at patuloy na pakikiisa at mahigpit na suporta ng INTERNATIONAL SOLIDARITY. Layunin din ng desisyon na was akin ang mahigpit na ugnayan at pagkakaisa ng mga manggagawang iligal na tinanggal at mga manggagawang kasapi ng TMPCWA na nasa loob ng Toyota. Higit layunin ng desisyon na was akin ang militanteng pagkilos ng buong kilusang manggagawa.

Napagalaman na ang Back Ground ng mga huwes ng 2nd Division na responsible sa Masscre Decision sa pangunguna ni Velasco na bagong itinalaga ni Gloria Arroyo at dating Company Lawyer mula sa Cavite. Si Quisumbing na dating Secretary of Labor. Si Dante tinga na dating Congressman at itinalaga din ni Gloria Arroyo. Sina Antonio Carpio at Conchita Carpio Morales ay mga katulad din nilang pro-kapitalista. Kayat walang aasahan ang mga manggagawa sa 2nd division ng Korte Suprema.

Magkagayunman, hindi titigil ang mga manggagwa ng Toyota, higit ng mga manggagawng iligal na tinanggal upang ipagpatuloy ang pakikibaka para kamtin ang tunay na hustisya. Magpapatuloy ang mga pagkilos at pagkundena sa mga hindi makatao at hindi makatarungang sabwatan ng 2nd Dision ng Korte Suprema at ng ganid na kapitalistang Toyota.

TULUY-TULOY NA ILANTAD AT LABANAN ANG SABWATANG GANID NA TOYOTA AT NG 2ND DIVISION NG KORTE SUPREMA!

PINAKAMATAAS NA ANYO NG PAGKONDENA SA MASSACRE DECISION NG 2ND DIVISION NG KORTE SUPREMA!

PINAKAMATAAS NA PAGKONDENA SA ANTI-MANGGAGAWA AT GANID NA KAPITALISTANG TOYOTA!

No comments: